'Kilabot' na drug pusher nahuli malapit sa barangay hall

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 02:30 PM

MANILA - Arestado ang isa sa mga itinuturing na kilabot na drug pusher sa Imus, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Montano Pakingan na naaresto sa Barangay Anabu Dos noong Huwebes.

Nakuha mula kay Pakingan ang mga sachet ng "shabu" at marijuana at 3 matataas na kalibre ng baril.

Ayon kay Police Supt. Roque Merdegia, kasama rin sa imbestigasyon ang mga opisyal ng barangay dahil malapit lang umano ang bahay ng suspek sa barangay hall.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.