5 tindahan, nasunog sa Maynila

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 06:38 AM | Updated as of Feb 09 2018 07:12 AM

Limang tindahan ang tinupok ng apoy sa Santa Cruz, Maynila Biyernes ng umaga.

Nagsimula ang sunog sa isang printing press sa hanay ng mga tindahan malapit sa LRT-2 Recto Station, ayon kay Supt. Jonas Silvano, Manila district fire marshal

Inaalam pa nila ang sanhi ng sunog pero posibleng may kaugnayan ito sa electrical connection sa kisame.

Natanggap ng Bureau of Fire Protection ang alarma sa sunog ala-5:07 a.m.

Umabot ito sa ikatlong alarm ala-5:17 a.m. bago ito napatay bandang ala-5:49 a.m. 

Kapag nasa ikatlong alarma, mga fire truck sa distrito kung saan naganap ang sunog ang inaasahang pumatay dito.