11K na dawit sa ilegal na droga kabilang sa watch list ng PNP

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2018 06:39 PM

MANILA - Nasa 11,000 suspek na sangkot sa ilegal na droga ang kabilang sa watch list ng Philippine National Police (PNP).

Kumpirmadong sangkot sa droga umano ang lahat ng 11,000 katao batay sa isinagawang pagpapatunay ng Directorate for Intelligence, ani PNP deputy spokesperson Supt. Vimellee Madrid.

Kabilang umano sa listahan ang lahat ng mga natukoy na sangkot sa ilegal na droga mula sa mga drug pusher hanggang sa mga itinuturing na high-value target.

Dagdag pa ni Madrid, asahan na tataas pa ang bilang ng mga kasali sa drug watch list lalo na at patuloy pa ang proseso ng pagpapatunay ng mga pulis.

Matatandaang muling inilunsad ng PNP ang "Oplan Tokhang" nitong nakaraang buwan bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.