PatrolPH

Van nahulog sa pampang sa Butuan City; 4 patay

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2022 02:06 PM

Nahulog sa pampang ang isang van sa Barangay De Oro, Butuan City, Pebrero 8, 2022. Retrato mula kay Sy Moon
Nahulog sa pampang ang isang van sa Barangay De Oro, Butuan City, Pebrero 8, 2022. Retrato mula kay Sy Moon

Apat na tao ang nasawi matapos mahulog ang sinaskayan nilang van sa pampang sa Butuan City nitong umaga ng Martes, ayon sa pulisya.

Ayon sa Butuan police, binabaybay ng van na may sakay na 12 tao ang national highway nang mawalan umano ng kontrol ang driver, dahilan para tumama sila sa steel barrier at mahulog sa pampang.

Nasugatan sa aksidente ang ibang sakay ng van.

Ayon sa pulisya, galing Cagwait, Surigao del Sur ang mga sakay ng van at papunta silang Butuan nang mangyari ang aksidente. 

— Ulat ni Charmane Awitan

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.