Lalaking umiwas sa checkpoint, patay sa engkuwentro sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2021 04:35 PM

Patay ang isang lalaki nang makipagbarilan umano sa mga pulis matapos umiwas sa checkpoint sa San Jose Del Monte, Bulacan nitong Pebrero 8, 2021. Retrato mula sa Central Luzon police

Patay ang isang lalaki nang makipagbarilan sa mga pulis matapos umiwas sa checkpoint sa San Jose Del Monte, Bulacan madaling araw nitong Lunes.

Ayon sa ulat ng Central Luzon police, sinita ang biktima ng mga pulis na nagmamando sa checkpoint sa Barangay Kaypian dahil wala itong suot na helmet.

Pero imbes na tumigil, humarurot papatakas ang motorcycle rider at pinaputukan pa ng kalibre .38 na revolver ang mga pulis na humahabol sa kaniya.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaki at posibleng dahilan ng pag-iwas sa checkpoint.

-- Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.