PatrolPH

30 bahay nasunog sa Novaliches

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2021 12:26 AM | Updated as of Feb 08 2021 10:33 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA (2nd UPDATE) - Nasunog ang nasa 30 kabahayan sa Barangay Novaliches Proper sa Quezon City Linggo ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, tumagal nang mahigit 1 oras ang sunog na sumiklab sa Sarmiento St. pasado alas-10:30.

Natamaan ang tirahan ng mga informal settlers.

Inakyat hanggang sa ika-3 alarma ang responde sa sunog.

Bandang alas-11:30, idineklarang kontrolado ng mga bombero ang sunog at makalipas ang ilang minuto ay tuluyan itong naapula.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog at ang halaga ng natupok. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.