MAYNILA - Nadagdagan pa ang mga bayan sa Leyte na nagkaroon ng kaso ng African swine fever, ayon sa Department of Agriculture - Eastern Visayas ngayong Lunes.
Kinumpirma ng ahensiya na nakapasok na rin ang ASF sa Barangay Causwagan at Liwayway sa bayan ng MacArthur, at sa Sitio Banug, Barangay Baras sa bayan ng Palo.
"Ikinalulungkot po namin talagang nahirapan itong task force natin. Mukhang nagsabay-sabay pala ito," ani DA Region 8 information officer Francis Rosaroso.
"Ang mga local governments po ngayon ay talagang doble sa trabaho," dagdag nito.
Ani Rosaroso, aabot sa 3,000 baboy sa Leyte ang isasailalim sa depopulation.
Panawagan niya sa hog raisers, i-surrender ang mga baboy sa loob ng 500-meter radius sa mga apektadong backyard farms para hindi kumalat ang ASF.
"Minsan po, ikinalulungkot namin sabihin na talagang nahihirapan dahil attached na attached naman sila sa kanilang mga hayop," aniya.
Nauna nang sinabi ng DA na may 4 na bayan na, kabilang ang Dulag, sa Leyte na may kaso ng ASF.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, Regional news, Teleradyo, ASF, African swine fever, Leyte, Eastern Visayas, Department of Agriculture, DA, regions, baboy