Duterte, handang makinig sa paliwanag ni DICT Usec. Rio hinggil sa pagbaba sa pwesto

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2020 12:03 AM | Updated as of Feb 08 2020 02:29 AM

Nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng kahandaan para kausapin at makinig kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio Jr. matapos nitong matanggap ang resignation letter ng opisyal.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, nasa opisina na ng Pangulo ang liham pero hindi pa niya ito nababasa.

Sa ngayon, wala pang nakatakdang schedule ng kanilang pag-uusap.

Matatandaang nagbitiw sa pwesto si Rio kasabay ng pagkukwestiyon ng Commission on Audit sa paggamit ng DICT ng nasa P300 milyong intelligence funds nito.

Ilang mga anomalya hinggil sa cash advances ng DICT ang umere matapos ang pagpapahayag ni Rio ng pagbaba sa pwesto.

Nakahanda naman sina Rio at DICT Sec. Gregorio Honasan na isantabi ang kanilang pagkakaiba upang patunayan na lehitimo ang umano’y maanomalyang confidential fund.

Dagdag pa ni Panelo, tututukan naman ng Pangulo ang magiging imbestigasyon ng Senado hinggil dito.

Ilang mga mambabatas naman mula sa Makabayan Bloc ang nahain na ng House inquiry na naturang ahensiya hinggil sa umano’y maling paggamit ng surveillance funds.-Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.