Ano ang nag-uudyok sa ilan para mag-panic buying tuwing sakuna?

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2020 04:35 PM | Updated as of Feb 08 2020 04:54 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Sa pagpasok pa lang ng taong 2020, sari-saring malalaking sakuna na ang bumulabog sa mga Pinoy, kabilang ang pagputok ng Bulkang Taal at ang pagkalat ng novel coronavirus.

Ang parehong kaganapan ay nagdulot ng takot sa mga Pinoy, dahilan para magbago ang kanilang behavior o pag-iisip, na ayon sa isang psychologist ay bunsod ng trauma.

Isa sa mga halimbawa nito ay ang nangyaring panic buying ng mga tao ng face mask.

Paliwanag ng psychiatrist na si Joan Mae Perez-Rifareal, ang mga sakuna kasi ay nagdudulot ng "uncertainty" o kawalan ng katiyakan ukol sa mga susunod na pangyayari.

Nawawalan din aniya ng sense of control ang isang tao, o tila ba hindi niya hawak ang kaniyang buhay.

Ito ang nagtutulak sa kanila nag magbago ng pag-uugali batay sa pinagdadaanang sitwasyon.

"May uncertainty doon may feeling of being uncertain, kung itong virus ba ito mawawala in the next few weeks? In the next few months and mas magiging more severe. Ang important is wag naman 'yung over. Iyung behaviors kasi ng iba masyadong extreme na hindi na masyadong nakakatulong sa recovery," ani Perez-Rifareal sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

Bagama't normal ayon kay Perez-Rifareal na mag-alala sa sitwasyon, nanawagan siya na huwag mag-panic.

"Kung halimbawa may naririnig na hindi accurate, huwag na natin i-spread. Get info from reliable and trusted sources," payo ng psychiatrist.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.