3 patay, 9 sugatan sa aksidente sa Kalinga

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2020 10:39 AM

BAGUIO CITY - Patay ang tatlong pasahero habang 9 na iba pa ang sugatan sa aksidente sa Tabuk City, Kalinga, Biyernes ng gabi.

Sa report ng mga pulis, tumagilid umano ang van na sinasakyan ng mga pasahero matapos mawalan ng preno at bumangga sa isang barikada.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.