ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Kamaynilaan, Pebrero 8-11

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2019 04:15 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Pebrero 8. 

Isasagawa ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Pebrero 11, sa mga sumusunod na kalsada:

SOUTHBOUND: 

  • C-5 Road pagkatapos ng Lanuza Ave. bago mag-Bagong Ilog flyover
  • C-5 Road sa harap ng SM Aura
  • EDSA New York Street, Monte de Piedad

NORTHBOUND:

  • Fairview Ave. Atherton hanggang Regalado Ave. North (unang lane mula sa center island)
  • EDSA sa harap ng Philippine College of Surgeons at sa harap ng Quezon City Academy (unang lane mula sa bangketa)
  • R. Magsaysay Blvd. (patungong Quiapo) R. Magsaysay Bridge – Pureza St.
  • EDSA Light Mall (unang lane), Jollibee Service Road Megamall (ikalawang lane)

Magkakaroon naman ng concreting works ang Maynilad sa may Commonwealth Ave. cor. Riverside St. sa Batangay Batasan Hills sa Quezon City. 

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta. 


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.