Tatlong criminology intern ang sugatan sa nangyaring aksidente sa pagresponde sa sunog sa Tondo Maynila nitong Biyernes.
Ayon kay Fire Senior Inspector Hector Agadulin, hepe ng Bureau of Fire Protection-Sampaloc, sakay ng kanilang fire truck ang nasa pitong intern para sana tumulong sa pag-apula ng apoy sa isang residential area sa New Antipolo Manila.
Pero pagsapit pa lang sa kanto ng Yuseco at Makata Street sa Sta. Cruz, Maynila, napilitang magmenor ang trak ng BFP dahil sa mga jeep na nasa unahan nito.
Nasa likod pala nila ang trak ng fire volunteers, na mabilis ang takbo kaya hindi nakapagpreno.
Nagpang-abot ang dalawang trak kung saan sugatan ang tatlong tao.
Dinala sa Chinese General Hospital ang mga biktima, na stable naman na ang kondisyon.
Ayon kay Agadulin, sasagutin ng pamunuan ng mga organisasyon ng nakaaksidenteng fire volunteers ang lahat ng gastos sa ospital ng mga pasyente.
-Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, aksidente, fire truck, volunteers, sunog, Chinese General Hospital, New Antipolo Manila, Tondo, sunog