2 tiklo sa buy-bust sa QC; P680,000 shabu nasamsam

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2019 02:49 PM

 

Arestado ang dalawang babae sa ikinasang buy-bust operation ng Quezon City Police District Station sa Luzon Avenue ngayong Biyernes.

Kinalala ang mga naaresto na sina alyas Ana at Liza na umano'y nagbabagsak ng shabu sa mga apartelle sa siyudad.

Ayon kay Supt. Giovani Caliao, chief of police ng QCPD Station 7, modus ng dalawa ang makipagtransakyon sa malapit sa palengke at nilagay sa mga pinamalengke ang hinihinalang shabu.

Tinatayang nasa P680,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa mga suspek na mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.