Riot sa Quiapo huli sa video; 2 lalaki dinampot ng pulisya

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2018 08:34 AM | Updated as of Aug 30 2018 04:21 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Huli sa video ang riot ng mga kabataan sa Quiapo, Huwebes, bandang alas-3:00 ng madaling araw.

Sa footage, makikita ang magkaaway na grupo ng kabataang nagbabatuhan ng bote ng alak sa may kalye ng Barbosa. 

Makikita rin ang mga hawak nilang matatalim na bagay habang atras-abanteng nagbabatuhan. 

Hindi na nagpang-abot ang magkaaway na mga kabataan at agad ring nagpulasan. 

Ang concerned citizen na kumuha ng video ay agad nag-tip sa pulisya na agad namang rumesponde.

Inaresto ang 2 lalaking umano'y sangkot sa riot na kinilalang sina Rommel Arcangel, 20, at Archie Carel, 18. 

"Nadamay nga kami sa kanila e. Bumibili lang po ako ng sigarilyo e," ani Arcangel.

"Lookout lang po ako, sir. Lookout," giit naman ni Carel.

Nahaharap ang dalawa sa kasong public alarm and scandal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.