Paaralan sa Quezon City binulabog ng bomb threat

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2018 10:46 AM | Updated as of Feb 08 2018 10:47 AM

MANILA - Sinuspinde ang klase sa Roces High School sa Quezon City ngayong Huwebes dahil sa banta ng pambobomba. 

Nakatanggap ang isang guro ng text message na nagsasabing may bomba sa paaralan na nasa kanto ng Scout Tuazon Street at Roces Avenue. 

Wala namang nakitang pampasabog ang mga pulis. 

Gayunman, tuluyan nang kinansela ang klase sa Roces High School. 

Ito na ang pangatlong beses na nakatanggap ng bomb threat ang paaralan. 

Maaaring maharap sa hanggang 5 taon na pagkakakulong at multang hanggang P40,000 ang mga mapatutunayang nagpapakalat ng bomb threat, sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.