Lalaki patay sa pamamaril sa QC

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at May 13 2020 04:34 AM

Patay ang isang hindi pa kilalang lalaki matapos pagbabarilin sa G. Araneta Avenue sa Barangay Talayan, Quezon City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa mga volunteer, bigla silang nakarinig ng pito hanggang walong putok pero 'di nila nakita ang gunman.

Nakapambahay lang ang biktima, walang ID, at walang indikasyon na na awtorisadong lumabas sa bahay.

Ikinagulat ng mga volunteer ang insidente pero dati na umanong may pinatay sa parehong lugar.

Walang amang kasama ang biktima nang pagbabarilin.

Iniimbestigahan pa ang insidente.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.