Korean embassy, nagbigay ng P10-M para sa naapektuhan ng Mayon

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2018 12:01 PM | Updated as of Feb 08 2018 12:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ipinagkaloob ng Korean embassy sa Pilipinas ang P10-milyon cash donation bilang ayuda sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Mayon sa Albay.

Ang donasyon ay ipinadaan sa Philippine Red Cross (PRC) ni Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man at iba pang opisyal ng Korean government.

Inihayag naman ni PRC Chairman at Senador Richard Gordon na gagamitin ang donasyon sa pamamahagi ng emergency relief tulad ng hygiene kit at malinis na tubig, maging sa pagpapatayo ng palikuran sa 59 na evacuation centers.

Nakapagpatayo na rin ang nasabing grupo ng temporary learning tent sa ilang paaralan.

Noong nakaraang taon ay nag-donate din ang Korean government sa mga naapektuhan ng giyera sa Marawi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.