Account manager pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2018 12:27 PM | Updated as of Aug 31 2018 10:43 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng mga salaring magkaangkas sa motorsiklo sa Sunriser Village, Barangay 167, Caloocan City, Huwebes ng umaga. 

Dead on the spot si Castolo Salavarria, account manager ng isang security agency, nang barilin malapit sa kanyang sariling bahay. 

Naitimbre sa pulisya ang insidente pero nang makarating sila sa crime scene ay bulagta at wala nang buhay ang lalaki. Agad namang dinala sa punerarya ang biktima.

Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo ng mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.