3 sugatan sa salpukan ng motor at 10-wheeler truck sa CDO

Maria Cecilia Butardo, ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2018 05:50 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

CAGAYAN DE ORO CITY - Tatlo ang isinugod sa ospital matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang 10-wheeler truck sa kahabaan ng Macapagal drive sa lungsod na ito, Huwebes ng umaga.

Nagtamo ng sugat sa ulo ang driver ng motor na si Terio Suazo habang sugatan din ang mga angkas niyang sina Jeffrel Ferrer at Christian Kent Salinas.

Ayon kay Ferrer, nag-signal na lilikong pakaliwa ang trak ilang segundo bago ito tumigil kaya nag-overtake si Suazo para unahan ang dalawang sasakyan sa likod ng trak.

Ngunit depensa ng driver ng trak na si Delfin Repolles, nag-signal siya ilang metro pa ang layo mula sa lilikuan kaya tumigil ang dalawang sasakyan sa likod niya.

Dahil pataas at may kurba, accident prone ang pinangyarihan ng insidente.