PatrolPH

'Gulay bouquet' alok ng community pantry ni Patreng Non bilang tulong sa mga magsasaka

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2023 02:32 PM

MAYNILA — Para makatulong sa mga magsasaka, nag-aalok ng "gulay bouquet" ang community pantry na sinimulan ni Patreng Non noong kasagsagan ng lockdowns dahil sa pandemya.

"Sa padating na Valentine's Day maaari pa natin i-extend ang pagmamahal natin sa iba mula sa pagbili natin ng gulay bouquet sa Community Pantry PH," ani Non sa isang Facebook post nitong Lunes.

May bigat aniyang halos 5 kilo ang gulay bouquet na nagkakahalaga ng P1,650 kasama na ang shipping fee sa Metro Manila.

 

Ayon kay Non, ang kikitain mula sa proyekto ay gagamitin para sa "gulay rescue operations" para sa mga ani ng mga magsasaka.

"Plano po natin ituloy ang pag-connect ng farmers natin directly sa ating consumers na walang takot mabulukan ng gulay, malugi o mabarat ng traders," kuwento ni Non.

"Kagabi lang po may nakausap po kaming magsasaka ng puting sibuyas na akala natin dito sa Manila ay mamahalin at rare. Binibili lang po sa kanila sa halagang 40 pesos maski restaurant quality na sibuyas," dagdag niya.

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.