PatrolPH

'Most wanted' sa Mambusao, Capiz timbog

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2021 12:41 PM

Naaresto nitong hapon ng Sabado ang lalaking itinuturing na "most wanted" sa bayan ng Mambusao, Capiz na inirereklamo ng panggagahasa ng sariling niyang anak.

Kasong statutory rape umano ang kinahaharap ng 36 anyos na suspek.

Noong Disyembre 15, 2020, nagbaba ng arrest warrant ang korte sa Capiz laban sa suspek matapos siyang ireklamo ng menor de edad na anak.

Nahuli ang suspek sa bayan ng Batan, Aklan, kung saan siya nagtago nang ilang buwan, ani Mambusao police chief Maj. Edwin Luces.

Sa ngayon, nakakulong ang suspek sa Mambusao Municipal Police Station at nakatakdang iharap sa korte.

-- Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.