PatrolPH

Hinihinalang miyembro ng New People's Army arestado sa Surigao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2021 01:08 PM | Updated as of Feb 07 2021 05:51 PM

(UPDATE) Naaresto ng mga pulis ang isa umanong miyembro ng New People's Army (NPA) sa Sison, Surigao del Norte nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Caraga Police Regional Director Brig. Gen. Romeo Caramat Jr. ang suspek bilang si Jude Laray, 27 anyos.

Pang-apat umano na "most wanted" ng Caraga police si Laray, ayon sa mga awtoridad.

Naaresto si Laray sa Barangay San Isidro.

-- Ulat ni Charmane Awitan

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.