Pulis patay sa pamamaril sa Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 06:27 PM

Patay ang isang pulis matapos siya pagbabarilin sa Barangay Lunang sa bayan ng Hilongos, Leyte nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Police Maj. Jayson Balbarona, hepe ng Hilongos Police, ang biktima na si Patrolman Ramil Aruelo ay galing sa bayan ng Bato sakay ng motorsiklo at pauwi na nang i-sideswipe ito ng isang itim na SUV na walang plaka. 

Sakay nito ang isang hindi pa kilalang gunman na bumaril sa biktima.

Agad namatay ang pulis matapos siya tamaan ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril at tinutugis na ng mga awtoridad ang salarin sa krimen.

Nakadestino sa Bato Municipal Police Station ang biktima, ayon kay Balbarona.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.