Private schools sakop ba ng DepEd suspension ng mga aktibidad sa Pebrero?

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 07:27 PM | Updated as of Feb 09 2020 07:39 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Proud na ipinakita ni Eric Sarmiento ang gown na susuotin ng kaniyang anak na nag-aaral sa isang private school para sa JS prom nito ngayong Pebrero.

Pero noong Martes, naglabas ang Department of Education (DepEd) ng memorandum na nagsususpinde sa lahat ng off-campus activities ngayong Pebrero sa gitna ng pangamba sa 2019 Novel Coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Kaya si Sarmiento, di sigurado kung tuloy pa ang JS prom ng kaniyang anak.

"Kung ako ang masusunod, mas maganda matuloy," ani Sarmiento.

Pero paglilinaw ng DepEd, ang suspensiyon ng national at regional off-campus activities ay para sa mga public school lang.

"For private schools they have that kind of autonomy or latitude in deciding whether they will suspend, if they will follow suit or they would go on based on their own due diligence," sabi ni DepEd undersecretary Alain Pascua.

Gayunman, nasa paaralan daw ang desisyon kung nais nilang magsuspinde rin para sa kaligtasan ng mga estudyante

—Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.