Fetus na isinilid sa ice cream container, natagpuan sa Dumaguete

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 10:28 AM

Dinala na ang fetus sa City Health Office sa Dumaguete City para mabigyan ng marangal na libing. Larawan mula sa RBSFM Dumaguete

Nakasilid sa 1 gallon ice cream container ang isang fetus nang matagpuan sa basurahan sa Barangay Candau-ay, Dumaguete City, Biyernes ng umaga.

Ayon sa pulisya, isang basurero ang nakakita sa fetus alas-6:30 ng umaga.

Tinatayang nasa anim hanggang pitong buwan pa lamang ang fetus na lalaki.

Ang basura kung saan napulot ang fetus ay idinala ng garbage truck mula sa City Public Market, ayon sa report ng pulisya.

Agad dinala ng pulisya sa City Health Office ang fetus para sa pagpapalibing.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.