Barker, patay sa pamamaril sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 05:59 AM

Patay sa pamamaril ang isang 27 anyos na barker sa Arnaiz Avenue, Pasay nitong Huwebes ng gabi. 

Ayon sa mga tauhan ng perya, nakatambay lang ang biktimang si Jojo Agustin nang lapitan siya ng dalawang lalaking nakamotorsiklo. Nakarinig sila ng 6 hanggang 8 putok ng baril.

Bumaba ang angkas at pinagbabaril ang biktima. Nakatakbo pa si Agustin pero hinabol pa siya ng gunman hanggang sa bumulagta.

Ayon sa dating kinakasama ni Agustin, limang taon na silang magkahiwalay matapos malamang gumagamit ng droga ang biktima. Dati na rin itong nakulong sa kasong may kaugnayan sa droga.

Wala naman kilala ang dating kinakasama ni Agustin na nakaalitan nito.

Nakuha sa bulsa ng biktima ang ilang mga singsing, relo at kanyang wallet.-Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.