Barangay chairman sa Pampanga, tiklo sa droga

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 11:56 PM

Arestado ang isang 27 anyos na barangay chairman ng bayan ng Mexico sa Pampanga matapos nitong masangkot sa ilegal na droga.

Kapitan ng Barangay San Patricio ang suspek na si Melvin Musni.

Inaresto siya kasama ang nakatatandang kapatid na si Francis Musni at isa na kinilala namang si Patrick Tiglao.

Nakuha sa mga suspek ang 5 sachet ng shabu, drug paraphernalia at ang P500 na marked money.

No bail ang tatlo sa isinampang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.-Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.