ALAMIN: Mga kalsada sa QC, Pasig na isasara sa weekend para sa repairs

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 05:09 PM

MAYNILA — Simula gabi ngayong Biyernes ay isasara ang ilang kalsada sa Quezon City at Pasig City para sa mga pagkukumpuni na tatagal hanggang sa Lunes ng umaga.

Narito ang mga rutang apektadong ng road repair at reblocking:

QUEZON CITY

  • ng unang lane mula sa sidewalk ng southbound direction ng A. Bonifacio Avenue Cloverleaf hanggang 11th Avenue
  • Ang ikatlong lane mula sa sidewalk ng EDSA Bulakan Street hanggang West Avenue
  • Ang ikalawang lane mula MRT Line ng southbound direction ng EDSA BP Tuazon flyover hanggang bungad ng A. Boni Serrano flyover
  • Ang westbound lane ng General Luis St. Samote St. hanggang SB Road
  • Ang ikaanim na lane mula outer sidewalk ng westbound direction ng Elliptical Road mula Kalayaan Avenue hanggang Maharlika Street
  • Ikatlong lane mula sidewalk ng northbound lane ng EDSA sa may Aurora Boulevard hanggang New York Street

PASIG CITY

Sa Pasig naman, mula alas-10 ng gabi Biyernes ay isasara ang ikalawang lane mula sa sidewalk ng Pasig Boulevard malapit sa isang gasolinahan. Ito ay para sa gagawing main sewer network ng Manila Water.

Bubuksan ang nasabing kalsada sa Pasig sa alas-4 ng madaling araw Lunes.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta para maiwasan ang abala.

—Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.