200 kilong isdang tuway, dagsa sa likod ng seawall sa Misamis Oriental

PJ Dela Peña, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 07:57 PM

Tuwang-tuwa ang mga residente sa paghuli sa isdang tuway na dumagsa sa likod ng seawall sa North Poblacion sa bayan ng Medina, Misamis Oriental. Larawan mula kay Ramsey Lago

Pinagkaguluhan ng mga residente ng Purok 5, North Poblacion sa bayan ng Medina, Misamis Oriental ang mga isdang napunta sa mababaw na parte ng dagat, Huwebes ng hapon.

Ayon sa mga residente, napunta sa tubig sa likod ng seawall ang maraming isda na agad naman nilang hinuli. Ang iba ay gumamit pa ng lambat.

Ang isda ay may local name na tuway na masarap iprito, ipang-tinola at paksiw.

Ayon sa isa sa mga residente, aabot sa 200 kilos ang nahuli nilang isda. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.