TINGNAN: Bike lane sa Laguna Lake Highway bukas na sa publiko

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 08:43 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Binuksan ngayong Huwebes ang bike lane sa kahabaan ng Laguna Lake Highway na puwedeng alternatibong ruta sa EDSA at C-5.

Gagamiting modelo ng Department of Public Works and Highways ang daanang ito, kung saan may nakatalagang lane para sa mga nais magbisikleta o maglakad hiwalay mula sa mga motorista, sa mga susunod pa nitong proyekto, ayon kay Sec. Mark Villar.

May habang halos 10 kilometro ang Laguna Lake Highway na parallel sa EDSA at C-5. Pinasinayaan ito noong Nobyembre 2018. 

Ang dating isang oras na biyahe mula Bicutan sa Taguig patungong Taytay, Rizal ay maaaring maging 30 minuto na lang kung gagamitin ang daang ito, ayon kay Villar.

Watch more in iWant or TFC.tv