Suspek sa pagpatay sa retiradong pulis sa Tagum City, kinilala

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 10:32 PM | Updated as of Feb 07 2019 10:51 PM

TAGUM CITY - Nakilala na ng pulisya ang lalaking bumaril umano sa isang retiradong pulis sa Tagum City noong Martes.

Kinilala ang suspek na si Johnrey Sabehon, 28 taong gulang at residente ng Laak, Compostela Valley.

Ayon sa Tagum City Police, umuwi sa kanilang lugar si Sabehon bago ang pamamaril kaya nakilala agad siya ng pamilya niya dahil sa suot niyang damit.

Nanindigan naman ang pulisya na hindi overkill ang ginawa ni PO3 Eduardo Bajalia kay Sabehon matapos makita sa videong kuha ng isang netizen na pinagbabaril pa nito si Sabehon kahit nakahandusay na sa kalsada.

Sa ngayon, personal na motibo ang tinitingnang motibo ng mga pulis sa insidente.

Namatay ang retiradong pulis na si Simplicio Samar Jr. nang barilin siya ni Sabehon sa harap ng kaniyang pagmamay-aring pawnshop sa Osmeña Street.

Nagkapalitan ng putok si Bajalia at si Sabehon. Tinamaan si Bajalia habang napatay si Sabehon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.