Pinsan ng mga Parojinog arestado sa Ozamiz City dahil sa droga

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 06:56 PM

OZAMIZ CITY – Arestado ang isang babaeng dating miyembro umano ng Parojinog Crime Syndicate dito sa siyudad, Miyerkoles ng gabi.

Agad inaresto ng magkakasamang puwersa ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group at ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 34 anyos na si Marife Daroy, alyas "Baliling," sa mismong bahay nito sa Sitio Catagulan, Barangay Baybay El Triunfo.

Ito’y matapos maglabas ng arrest warrant ang Ozamiz City Regional Trial Court Branch 35 laban sa kaniya.

Ikalawa sa Most Wanted List ng Misamis Occidental ang suspek na dating miyembro umano ng Parojinog Crime Syndicate na nagtutulak ng ilegal na droga.

Pinsang buo ang suspek ng napatay na si Mayor Reynaldod "Aldong" Parojinog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.