'PasaLord': Mga Pinoy nakiisa sa panalangin para sa kapayapaan

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 08:06 PM | Updated as of Feb 07 2019 08:09 PM

Nakiisa ang mga taga-Dumingag, Zamboanga del Sur sa pagdadasal sa "PasaLord" synchronized prayer movement. PNP Dumingag

Sabay-sabay idinasal ng iba't ibang komunidad sa bansa ang "Prayer for Peace" para sa pagbubuklod-buklod at kapayapaan sa Pilipinas. 

Ito ay bahagi ng "PasaLord" synchronized prayer movement nitong alas-12 ng tanghali ng Huwebes, kung saan sabay-sabay nagdasal ng isang minuto ang mga Pinoy mula sa iba't ibang sektor ng lipunan at rehiyon ng para sa kapayapaan. 

Iisang panalangin na isinalin sa tatlong dayalekto ang dinasal ng mga lumahok. 

Sa kuha ng Bayan Patroller na si Tejanne Zarzoso, makikitang nagkakaisa ang mga sundalo sa Magallanes, Agusan Del Norte sa pagdadasal.

Sa kuha ng Bayan Patroller na si Tejanne Zarzoso, makikitang nagkakaisa ang mga sundalo sa Magallanes, Agusan Del Norte sa pagdadasal. 

Nagbuklod-buklod naman ang mga estudyante ng University of Perpetual Help sa Biñan, Laguna, base sa kuha ng Bayan Patroller na si Joselito Angulo. 

PNP Dumingag

Nagsama-sama rin ang mga miyembro ng Negros Occidental Provincial Police Office sa Bacolod City sa panalangin. 

PNP Dumingag

Suot ang kulay ng watawat, nakilahok din ang iba't ibang opisyal ng gobyerno, estudyante, at mga miyembro ng relihiyosong grupo sa Dumingag sa Zamboanga Del Sur para ipanalangin ang kapayapaan. 

Nakiisa rin ang mga miyembro at kawani ng Senado sa naturang prayer movement. 

Matapos ang sabayang pagdasal umaasa si PasaLord Prayer Movement Lead Convenor Lourdes "Bing" Pimentel na magtutuloy-tuloy ang pagdarasal ng sambayanan hanggang sa matigil ang mga nagaganap na karahasan sa bansa. 

-- May ulat nina Marty Go at Queenie Casimiro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.