Owner-type jeep, bumangga sa puno sa Ilocos Norte; 1 patay, 4 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 08:05 AM

ILOCOS NORTE - Isa ang patay habang 4 ang sugatan matapos bumangga ang kanilang sinasakyang owner-type jeep sa isang puno sa bayan ng Batac, Ilocos Norte Lunes.

Kinilala ang nasawi na si Rizal Corpuz Jr. na siyang nagmaneho sa sasakyan. Sugatan ang kapatid ni Corpuz at 3 pa niyang kasamahan.

Ayon kay Rizal Corpuz Sr., ama ng nasawi, nakainom umano ng konting alak ang mga biktima.

Pagpalya ng manibela ang isa sa tinitingnang sanhi ng insidente. - ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.