Buy-bust sa Bulacan nauwi sa engkuwentro; suspek patay

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 03:57 PM

Napatay ang isang drug suspect matapos mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation na ikinasa laban sa kaniya sa San Ildefonso, Bulacan, ayon sa pulisya nitong Huwebes.

Matapos pagbentahan ng hinihinalang shabu ang pulis na nagpanggap na buyer, nakatunog umano ang suspek na si alyas "Narciso Calison" na pulis ang kaniyang katransaksiyon, ayon sa ulat ng pulisya.

Pinaputukan umano ng suspek ang mga awtoridad, dahilan para gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Nakatakas naman ang isang kasamahan ni ""Narciso" lulan ng motorsiklo.

Narekober ang isang kalibre .38 na baril at dalawang basyo ng bala.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.