Bentahan ng bulaklak sa Baguio, matumal

Justin Aguilar, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 10:36 PM

BAGUIO CITY—Matumal ang bentahan ng mga bulaklak sa Baguio City bago ang Araw ng mga Puso.

Kumpara noong mga nakaraang buwan, kakaunti ang mga namamakyaw ng mga bulaklak kahit pa malapit na ang Araw ng mga Puso.

Dahilan ito para bumagsak ang presyo ng mga bulaklak.

Ang rados nasa P20 ang kada bundle. P40 naman ang Malaysian mums, P30 ang Aster, P25-P30 ang mga garnet, habang P10 ang Alstromeria.

Mababa ito ng P5-P20 kumpara sa normal nilang presyo ng bentahan ng mga bulaklak.

Ang tanging mahal bilhin ngayon ay ang mga rosas na nagkakahalaga na nag P800-P1,000 kada dosena.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.