3 tiklo sa buy-bust sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 09:36 AM

Limang hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa isang lalaki sa buy-bust na ginawa sa Barangay Baliwasan sa Zamboanga City. Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

ZAMBOANGA CITY – Tatlo katao ang arestado sa dalawang magkasunod na buy-bust operation sa Zamboanga City, Miyerkoles ng gabi.

Anim na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P15,000 ang nakuha mula sa magkapatid na Sarah at Juanid Salih. Nakuha rin mula sa kanila ang P200 na marked money at iba’t ibang drug paraphernalia sa operasyong ikinasa sa Barangay Sta. Barbara.

Limang sachets naman ng shabu ang nakuha mula sa isang babae sa buy-bust operation sa Aquino Drive, Barangay Baliwasan.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.