Store manager, patay sa aksidente sa Bataan

Rod Izon, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 02:06 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dead on the spot ang store manager ng isang kilalang fast food chain matapos masagasaan ng truck sa Bataan, Martes ng gabi.

Nakilala ng biktima na si Alexandrea Roque, 26, mula Orani, Bataan.

Naka-angkas umano si Roque sa isang motorsiklo na minamaneho ni Warren Sarah nang masagi sila ng isang sasakyan habang binabaybay ang kahabaan ng Roman Highway sa Barangay Palihan sa bayan ng Hermosa.

Sumemplang at humagis ang motosiklo at nasagasaan pa ng isang rumaragasang truck si Roque.

Agad na tumakas ang nagmamaneho ng truck matapos ang aksidente.

Sugatan din sa aksidente si Sarah.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.