Lalaki, natagpuang patay sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 07:56 AM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Barangay Western Bicutan, Taguig City Martes ng gabi.

Wala pang pagkakakilanlan ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo. Nakasuot ito ng itim na T-shirt at puting shorts.

Natagpuan ang lalaki na nakahandusay sa madilim na bahagi ng Service Road sa tabi ng isang kahoy.

Ayon sa isang barangay tanod na nagpapatrolya sa lugar, pasado alas-11 ng gabi nang matagpuan nila ang bangkay at agad inireport sa mga pulis.

Hindi rin tukoy kung ito ba ay residente sa naturang lugar.

Nagkalat naman sa lugar ang 5 basyo ng kalibre .45 na baril.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at motibo sa pamamaslang. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.