Ilang bahagi ng Davao City, binaha dahil sa malakas na ulan

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 04:09 PM

DAVAO CITY - Binaha ang ilang bahagi ng lungsod, Miyerkoles, matapos ang magdamag na pag-ulan.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang C.P. Garcia Highway malapit sa Spring Valley Subdivision.

Vina Araneta, ABS-CBN News

Vina Araneta, ABS-CBN News

Vina Araneta, ABS-CBN News

Vina Araneta, ABS-CBN News

Naglagay na ng mga sandbag ang ilang residente ng Spring Valley upang hindi makapasok ang baha sa kani-kanilang mga bahay.

Nagpadala na ang lokal na pamahalaan ng mga tauhan na magtatanggal ng bara sa mga drainage upang humupa ang baha.

Nagmando na rin ng daloy ng trapiko ang mga pulis upang maibsan ang humahabang pila ng mga sasakyan

-- ulat mula kay Vina Araneta, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.