Dolphin, natagpuang patay sa Agusan del Norte

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 05:45 PM | Updated as of Aug 28 2018 06:49 PM

Natagpuang patay ang isang dolphin sa tabing-dagat sa Agusan del Norte, Martes ng hapon. Kuha ni Yataki Tumvi

Natagpuang patay ang isang dolphin sa tabing-dagat sa isang pribadong beach resort sa Barangay Caloc-an, Magallanes, Agusan del Norte nitong Martes ng hapon.

Unang nakita ng mga residente ang dolphin na palutang-lutang sa dagat at napadpad sa dalampasigan.

Nagtamo ng sugat sa iba't ibang parte ng katawan ang isang dolphin na natagpuang patay sa Agusan del Norte, Martes ng hapon. Kuha ni Yataki Tumvi

Pinagtulungan nila itong buhatin papunta sa tabing-dagat pero patay na ang dolphin na nagtamo ng mga sugat sa ulo at ibang parte ng katawan.

Nagtamo ng sugat sa iba't ibang parte ng katawan ang isang dolphin na natagpuang patay sa Agusan del Norte, Martes ng hapon. Kuha ni Yataki Tumvi

Hindi pa malinaw kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng dolphin. Agad naman itong inilibing.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.