2 obrero, patay sa hiwalay na pamamaril sa La Union

Marc Teomar Bautista, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 04:47 PM

Patay ang construction worker na si Ricky Palaganas matapos pagbabaril ng di pa kilalang salarin sa Barangay Lloren sa Tubao, La Union, Pebrero 6, 2018. Photo courtesy of Tubao Police Station

LA UNION – Patay ang dalawang construction worker sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril, Martes ng umaga dito.

Nakilala ang mga biktima na sina Rocky Palaganas, 29, at Archie Doctolero, 33.

Si Palaganas, na dati nang sumuko sa pagkakasangkot sa ilegal na droga, ay binaril sa Barangay Lloren sa Tubao, habang si Doctolero naman ay napatay sa Barangay San Julian East sa Agoo.

Hindi pa matukoy ng awtoridad ang mga salarin at ang motibo sa pagpatay.

Inaalam din ng pulisya kung may koneksyon ang dalawang insidente sa magkaibang bayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.