Bangkay ng lalaki, natagpuan sa Cagayan River

Danielle Rebollos, ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2017 07:57 PM

CABAGAN, Isabela -- Natagpuang palutang-lutang sa Cagayan River ang bangkay ng isang lalaki Lunes ng hapon sa Barangay Casibarag Sur sa bayan ng Cabagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Elmer Abnaway, 21 taong gulang na tubong Sarangani province. 

Empleyado siya sa isang gasolinahan at nakatira sa Barangay San Antonio sa bayan ng Delfin Albano.

Ayon kay Chief Inspector Melanio Vinoray, chief of police sa Cabagan, nakitaan ang biktima ng gasgas at sugat sa mukha.

Sa kabila ng isinagawang post-mortem examination, hindi pa rin matukoy ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima kaya patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.