PatrolPH

Antipolo drug bust: Higit P800,000 halaga ng shabu nasamsam, 3 timbog

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2022 10:53 AM

Tinatayang nasa higit P800,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation sa Antipolo City, kung saan naaresto ang tatlong suspek, sabi ngayong Linggo ng mga awtoridad.

Nagpanggap ang isang Philippine Drug Enforcement Agency agent na bibili ng P4,000 halaga ng shabu sa isa sa mga suspek, sa operasyong nangyari kamakailan sa Barangay Cupang.

Matapos ang transaksiyon ay hinuli agad ang mga suspek.

Bukod sa drogang nagkakahalagang P863,600, nakumpiska rin sa mga suspek ang isang kotse at pulang pouch.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may koneksiyon ang tatlo sa isang drug group na nagsusuplay ng droga sa Antipolo at mga karatig-lugar.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

— Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.