PatrolPH

Nasa P1 na price hike sa petrolyo nagbabadya sa Pebrero 9

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2021 04:20 PM

Nasa P1 na price hike sa petrolyo nagbabadya sa Pebrero 9 1
ABS-CBN News/File

MAYNILA - May inaasahang taas-presyo na aabot ng mahigit-kumulang P1 sa ilang produktong petrolyo sa Martes. 

Inaasahang taas sa presyo ng mga produktong petrolyo:

  •  Gasolina - P0.80-P0.90/litro 
  •  Kerosene - P0.95-P1/litro 
  •  Diesel - P1-P1.05/litro

Ang diesel, posibleng may taas-presyo na P1 hanggang P1.05 kada litro. Ang gasolina naman, posibleng umabot ng P0.80 hanggang P0.90 ang dagdag presyo kada litro. 

Ang kerosene, maaaring umabot sa P0.95 hanggang P1 ang taas-singil. 

Paliwanag ng mga eksperto, nagsimula na ang bawas sa produksyon ng langis sa Saudi Arabia at iba pang bansa kaya sumipa rin ang presyo nito sa world market. 

Sinabayan pa ito ng patuloy na pagbaba ng imbentaryo ng langis ng Estados Unidos. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.