PatrolPH

Lalaking naiulat na nawawala, natagpuang patay sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2021 11:40 AM

Lalaking naiulat na nawawala, natagpuang patay sa Capiz 1
Pinaniniwalaang nahulog sa dike at tuluyang nalunod si Diego Biba sa Panay River sa Capiz. Naiulat siyang nawalawa noong Peb. 4, 2021. Larawan mula sa Pontevedra Emergency Response Team

Patay na nang matagpuan ng awtoridad ang isang lalaki sa Panay River sa Pontevedra, Capiz, Biyernes ng gabi.

Nakita ang katawan ni Diego Biba, 66 anyos na taga Barangay Ilaya, na palutang-lutang sa ilog, alas-6 ng gabi.

Agad na rumesponde ang Pontevedra Emergency Response Team para maiahon ang bangkay mula sa ilog.

Pinaniniwalaang nadulas sa dike ang lalaki kaya nahulog sa ilog.

— Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.