Lalaking tiklo sa droga, inireklamo rin ng panghahalay sa anak

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2020 04:39 AM | Updated as of Feb 06 2020 06:08 AM

Arestado sa isinagawang drug buy-bust operation ng Floridablanca Police sa Pampanga ang isang 47 anyos na lalaking inireklamo rin ng panghahalay sa sarili nitong anak na babae.

Nakuha kay alyas Lito ang 3 sachet ng hinihinalang shabu at P500 na marked money.

Kasama ang suspek sa drug watchlist ng Floridablanca police.

Bukod pa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act na haharapin nito, inireklamo rin ang suspek ng panghahalay sa sarili nitong anak na babae.

Kwento ng bata, hinahalay ito ng kanyang ama at pinagbantaan pang papatayin siya at ng kanyang ina kung magsusumbong. -Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.