3 lalaki kalaboso sa droga sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2020 04:48 AM

Arestado ang 3 lalaki matapos makuhaan ng hinihinalang marijuana sa Pasay City.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina alyas Jeremy, 21 anyos, alyas Wilson, 19 anyos, at alyas Jhonell, 19 anyos. 

Ayon sa Arnaiz Police, nagsasagawa sila ng Oplan Galugad sa Tramo, Pasay nang may tumawag na isang concerned citizen at isinumbong ang ilang kabataan na may dalang droga. 

Agad na pinuntahan ng mga pulis ang Interior St. Barangay 64 at doon nakita ang mga suspek na may hawak umanong paper bag habang dala-dala ang hinihinalang marijuana.

May timbang na mahigit 300 gramo ang nakuhang droga mula sa tatlo na may street value na P37,356. 

Napag-alaman na dalawa sa mga nahuli ay dati nang nakulong. Si alyas Wilson ay nakasuhan kaugnay ng marijuana habang nahuli namang nagka-cara y cruz si alyas Jhonell.-Ulat nina Fred Cipres at Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.