20 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Caloocan; 1 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2020 12:36 PM

MAYNILA - Nawalan ng bahay ang aabot sa 20 pamilya nang masunog ang 12 bahay sa Caloocan City, umaga nang Huwebes. 

Pasado alas-7:30 nang umaga nagsimula ang sunog sa ika-2 palapag ng bahay ng isang nagngangalang Fernando Molina.

Umabot sa ika-3 alarma ang sunog dahil bukod sa gawa sa kahoy ang mga bahay ay dikit-dikit pa ito. 

Nasaktan sa sunog ang isang tanod na tumulong sa pag-apula ng apoy pero wala namang naiulat na namatay. 

Idineklarang fire out ang sunog bago mag-alas-9 nang umaga at aabot sa P1.2 milyon ang ari-ariang nasira sa sunog. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.