2 arestado sa buy-bust operation sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2020 04:41 AM

Timbog ang isang babae at isang lalaki sa buy-bust operation sa Maynila. 

Ayon sa paunang ulat ng Manila Police District, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Malate Police at target si alyas Jerry, 48 anyos sa may Dakota St., Malate.

Dalawang daang pisong halaga ng shabu ang binili ng police poseur buyer mula sa target. Agad itong hinuli matapos ang transaksyon.
 
Inaresto din ang kasama nitong si alyas Katherine, 34 anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang 4 sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P13,600. 

Kabilang sa drugs watchlist ng Malate Police si alyas Jerry. - Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.